BULGAR

Oct 2, 2020

Nicki Minaj, nanganak na sa first baby

ni Lolet Abania | October 2, 2020

Isinilang na ni “Superbass” rapper Nicki Minaj ang kanilang first baby ng asawang si Kenneth “Zoo” Petty noong September 30 sa Los Angeles, ayon sa source ng website na People.

Noong July, ibinalita ni Nicki na buntis siya at nag-post pa ng picture ng kanyang baby bump na may nakasulat na “#Preggers.”

Wala namang binanggit na gender at pangalan ng baby ang couple.

Samantala, ikinasal ang 37-anyos na si Nicki na ang real name ay Onika Tanya Maraj kay Kenneth Petty, 42-anyos, noong 2019.

    0