BULGAR

Oct 28, 2020

Naging super close raw, Marian…

DINGDONG AT JENNYLYN, KUMANTA SA GINAGAWA NILA SA TAPING 'PAG REST DAY

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 28, 2020

Sa guesting nila sa Kapuso ArtisTambayan, ikinuwento ng cast members ng Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation na mas naging close sila dahil sa locked-in taping noong nakaraang buwan.

Sabi ni Dingdong Dantes, "Mas naging tight nga 'yung samahan kasi imagine, tuluy-tuloy kami magkakasama kahit na medyo challenging pero masaya pa rin, 'di ba? Mas naging close pa nga kami dahil sa locked-in taping, kasi prior to that, maganda na 'yung working relationship naming lahat, eh.”

Kahit na magkakahiwalay ang tent at mahigpit silang sumusunod sa social distancing, nagawa pa rin daw nilang mag-bonding sa free day nila.

Kuwento ni Jennylyn Mercado, "Noong nag-locked-in, magkakahiwalay kami ng tent tapos magkikita-kita lang kami sa set tapos kapag free day namin, si Jasmine, nagwo-workout, sila Dong, nagwo-workout. Nakaka-miss lang 'yung masayang samahan ng DOTS kasi para na kaming isang pamilya."

Nagsimula nang mag-resume ang airing ng DOTS last Monday at gabi-gabi na itong mapapanood pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.

0