BULGAR

Sep 30, 2020

3-araw na baby patay sa COVID-19

ni Lolet Abania | September 30, 2020

Namatay ang isang sanggol tatlong araw matapos isilang dahil nagpositibo sa test sa Coronavirus sa Davao City.

Ayon kay Punong Barangay Rey Bargamento, isinilang ang sanggol sa isang paanakan sa Barangay Mintal, Davao City, subaliā€™t inaalam pa ng mga barangay officials kung residente sa lugar ang mga magulang ng baby.

Sa datos ng Department of Health (DOH) provincial team, nakaranas ang baby ng mga sintomas ng COVID-19 kaya agad na isinugod sa ospital ngunit namatay din nang araw na 'yun.

Patuloy ang isinasagawang contact tracing ng Barangay Health Emergency Response Team ng Brgy. Mintal sa lying-in clinic kung saan isinilang ang sanggol. Inaalam na rin ng awtoridad ang maaaring pinagmulan ng pagkakahawa ng sakit na ito ng baby.

    0