top of page
Search
  • BULGAR

3-araw na baby patay sa COVID-19

ni Lolet Abania | September 30, 2020




Namatay ang isang sanggol tatlong araw matapos isilang dahil nagpositibo sa test sa Coronavirus sa Davao City.


Ayon kay Punong Barangay Rey Bargamento, isinilang ang sanggol sa isang paanakan sa Barangay Mintal, Davao City, subali’t inaalam pa ng mga barangay officials kung residente sa lugar ang mga magulang ng baby.


Sa datos ng Department of Health (DOH) provincial team, nakaranas ang baby ng mga sintomas ng COVID-19 kaya agad na isinugod sa ospital ngunit namatay din nang araw na 'yun.


Patuloy ang isinasagawang contact tracing ng Barangay Health Emergency Response Team ng Brgy. Mintal sa lying-in clinic kung saan isinilang ang sanggol. Inaalam na rin ng awtoridad ang maaaring pinagmulan ng pagkakahawa ng sakit na ito ng baby.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page