BULGAR

Apr 11, 2021

Warehouse ng kahoy, nasunog; 4th alarm, itinaas

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 11, 2021

Umabot sa 4th alarm ang sunog sa Barangay Maly, San Mateo Rizal noong Sabado nang umaga na nagsimulang sumiklab sa isang warehouse ng kahoy.

Sa inisyal na ulat ng San Mateo Fire Station, nagsimula ang sunog bandang alas-5 nang umaga at ayon sa awtoridad, nahirapang apulahin ang apoy dahil puno ng combustible materials ang naturang warehouse.

Inaalam pa ng awtoridad ang sanhi ng insidente.
 

 

    0