BULGAR

Sep 2, 2020

Tumalak sa socmed… POKWANG, SHOCKED NA P130 K MAHIGIT ANG BILL SA KURYENTE

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | September 2, 2020

Shocked to the max si Pokwang sa bill niya sa kuryente na umabot sa apat na buwan dahil nga hindi naman kaagad ito idineliber sa bahay niya dahil sa pandemya.

Base sa tweet ng komedyana ay umabot sa P131,312.00 ang Meralco bill niya.

Aniya, “May iba pa bang hotline ang Meralco Masinag?

“Wala sumasagot at 'di sinasagot mga tawag. Nanghula lang yata sila ng computation, 4 na buwan P131,312.00, ano kami, pabrika?” takang sabi ni Pokie.

Maraming sumang-ayon sa hinaing ng TV host/actress dahil nakaka-relate rin daw sila.

Samantala, sumagot na ang Meralco kay Pokwang tungkol sa reklamo niya.

    0