BULGAR

Jun 10, 2022

Taas-singil sa kuryente ngayong Hunyo β€” Meralco

ni Lolet Abania | June 10, 2022

Ayon sa Meralco, ang overall rate para sa tipikal na tirahan ay taas ng ng 39.82 centavos kung saan aabot sa P10.4612 kada kilowatt-hour (/kWh) mula sa P10.0630/kWh noong Mayo.

Narito ang katumbas na dagdag sa singil ng kuryente na depende sa kinukonsumo:

Konsumo Dagdag

200kwh P80

300kwh P119

400kwh P159

500kwh P199

Paliwanag ng Meralco, bunsod anila ito ng pagtaas ng presyo ng kuryente mula sa kanilang mga suppliers.

β€œThe generation charge increased by P0.33 per kwh, taxes eventually followed suit which normally follows any adjustments in the generation costs,” sabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga. Samantala nitong Mayo, nagkaroon naman ng bawas-presyo sa singil sa kuryente ang Meralco.

    0