BULGAR

Dec 1, 2022

Taas-presyo sa LPG at auto-LPG

ni Lolet Abania | December 1, 2022

Sa unang araw ng Disyembre, may pagtaas sa mga presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) at auto-LPG ang mga kumpanya ng langis.

Umabot sa P2.25 kada kilo ang dagdag sa presyo ng LPG ng Petron at Phoenix habang P2.27 naman sa Solane.

Nasa P1.26 kada litro ang dagdag sa presyo ng auto-LPG sa Petron at P1.25 sa Phoenix.

Ang taas-presyo sa mga nasabing produkto ay bunsod ng pagtaas ng international contract price ng LPG sa buwan ng Disyembre.

    0