BULGAR

Jul 9, 2020

Sure raw na magaganda ang mga anak… CHEF JORDAN, MAS TANGGAP NG FANS PARA KAY KC KESA SI APL.DE.AP

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 9, 2020

May ilang fans ni KC Concepcion ang excited at kinikilig sa bagong guy na nali-link ngayon sa kanilang idolo. Bukod kasi sa kamukha ni Sam Milby ang Fil-Am na si Jordan Andino, isa rin itong chef.

Mas boto ang mga fans ni KC kay Jordan kesa sa rapper na si Apl.De.Ap. Mas kapani- paniwala raw kung ang chef at si KC ang magiging mag-BF.

At sakaling mauwi sa kasalan ang lahat, tiyak na magaganda at pogi ang kanilang mga magiging anak. Tiyak namang hindi tututol ang Mama Sharon ni KC na makasal na siya. Matagal nang pangarap ni Shawie na magkaroon ng apo kay KC. Nasa tamang edad na ito para bumuo ng sariling pamilya. Maging ang Daddy Gabby Concepcion ni KC ay payag na ring mag-asawa ang kanyang panganay na anak.

    0