BULGAR

Oct 12, 2021

Sanggol, pugot na nang ipanganak sa Abra

ni Lolet Abania | October 12, 2021

Pugot na umano ang ulo ng isang sanggol nang maipanganak ito sa lalawigan ng Bangued, Abra.

Sa salaysay ng ina ng sanggol, sinabi ng isa sa mga nag-assist sa kanyang panganganak na ang sanggol ay patay na nang mailuwal niya.

Gayunman, hindi ipinaalam sa kanya na ang sanggol ay decapitated o pugot na. Nakita lamang nilang ganito nang makauwi na sila ng bahay.

Kinokonsidera naman ng pamilya na magsampa ng kaso laban sa Abra Provincial Hospital.

Ayon sa mga opisyal ng ospital, handa silang harapin ang anumang kaso na isasampa laban sa kanila.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa insidente at humingi na rin ng statement sa attending physician nito.

Paliwanag ng hospital officials, ang sanggol ay namatay na habang nasa loob pa ng sinapupunan ng kanyang ina at kinakailangan nilang tanggalin upang mailigtas ang buhay ng nanay nito.

    0