BULGAR

Jul 10, 2020

Same-sex marriage bill, ikinakasa sa Thailand

ni Thea Janica Teh | July 10, 2020

Inaprubahan na sa Thailand ang draft bill na pahintulutan na ang same-sex marriage sa bansa tulad ng benepisyo ng heterosexual marriages.

Ang bill na inaprubahan ng cabinet, na hindi ginamit ang salitang “marriage”, kundi same-sex partnership bilang legal. Nakapailalim sa bill na ito ang civil code tulad ng joint property, pag-ampon ng bata at pagpasa sa inheritance.

Papayagan lamang ang civil partnership sa mga may edad 17 pataaas at isa dapat sa couple ay Thai citizen.

The Civil Partnership Bill is sa milestone for Thai society in promoting equality among people of all genders,” sabi ni Ratchada Dhnadirek, isang deputy spokeswoman.

Ang Bill na ito ay ipapasa pa sa Parliament para maisabatas, ngunit, sa pag-apruba rito ng cabinet, malaki na ang tiyansa nito dahil kabilang sa mga cabinet ay mga retired general at traditiona-bound political elders.

Bukod sa kilala ang Thailand bilang Buddhist-dominated culture, isa rin ang bansang ito na open sa LGBTQ people.

    0