BULGAR

Apr 21

Saksi raw si Lord… RURU AT BIANCA, IPINAGSISIGAWANG PANGHABAMBUHAY NA SILA

ni Nitz Miralles @Bida | April 21, 2024

Pinakilig nina Ruru Madrid at Bianca Umali ang kanilang mga fans sa palitan nila ng mensahe para sa tinawag ni Ruru na “seventy months of love.” 

Nakadagdag pa sa kilig ang photo na ginamit ni Ruru sa kanyang post.

“Seventy months of love, laughter, and endless adventure together. Mahal, your love and support mean the world to me. Thank you for choosing to love me every day. At pangako ko na ikaw lang ang pipiliin ko sa araw-araw, pangako ‘yan. Here’s to a lifetime of love and countless memories with you, my forever and always. @bianxa,” post ni Ruru.

Sagot ni Bianca, “Sa araw-araw ng habang buhay, minahal, mahal na mahal at mamahalin kita, Ruru, mahal ko. Saksi ang Ama sa ating dalawa. @rurumadrid.”

Dahil sa sweet message sa isa’t isa, may nagpayo kina Ruru at Bianca na magpakasal na. Kaya lang, wala pa yata silang plano at focused pa sa kanilang career. 

Pareho silang busy at balitang extended up to June ang Black Rider ni Ruru. Si Bianca naman, nagte-taping para sa Sang’gre.

    0