BULGAR

Oct 28, 2020

Rider, dedbol sa bangga ng kotse

@Balitang Probinsiya | October 28, 2020

PANGASINAN—Patay ang isang rider nang aksidenteng mabangga ng kotse ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Malayo, Urbiztondo.

Nakilala ang biktima na si Jeffrey Datuin, nakatira sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng minamanehong kotse ng hindi pinangalanang driver kaya nabangga nito ang motorsiklong minamaneho ng biktima.

Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking sugat sa ulo at pinsala sa katawan ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.

Sinampahan na ng pulisya ng kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property ang driver ng kotse.

0