BULGAR

Oct 2, 2020

Pera at pagkain para sa mga beybi at buntis

ni Lolet Abania | October 2, 2020

Magbibigay ang pamahalaan ng ayuda sa mga sanggol at buntis na labis na nangangailangan ng nutrisyon at pag-aalaga sa panahon ng pandemya ng COVID-19.

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang dietary supplementation program, kung saan mabibigyan ng pera o food packs ang mga sanggol na 6 hanggang 23-buwang gulang at lahat ng nagbubuntis, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“Babies and nutritionally at-risk pregnant women. This forms part of improving the healthcare of the citizens and a means to eliminating hunger which has been aggravated by the pandemic,” sabi ni Roque.

Hindi naman binanggit ni Roque kung kailan sisimulan ang pagbibigay ng ayuda sa mga sanggol at buntis, at kung magkano ang ilalaang pondo para sa programa.

    0