BULGAR

Oct 31, 2022

Patay sa Seoul stampede, nasa 154 na

ni Lolet Abania | October 31, 2022

Umabot na sa 154 katao ang nasawi sa Halloween party stampede na ginanap sa Itaewon District sa Seoul, South Korea, nitong Sabado, Oktubre 29, ayon sa emergency officials.

Batay sa ulat, mahigit sa 100 indibidwal naman ang nasaktan sa naturang insidente, na may 20 ang kritikal sa ospital, habang tumaas pa ang bilang ng mga casualty.

Binisita naman ngayong Lunes ni South Korean President Yoon Suk Yeol ang isang altar na itinakda malapit sa Seoul City Hall bilang pag-alala sa mga namatay sa stampede, kung saan karamihan sa kanila ay mga teenager at nasa edad 20s.

Inilunsad na rin ng South Korean government ang malalimang imbestigasyon sa insidente na itinuturing ni Yoon bilang “one the of the deadliest incidents in years” ng naturang bansa.

    0