BULGAR

Jun 28, 2021

Patay sa gumuhong gusali sa Florida, 9 na

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 28, 2021

Umakyat na sa siyam ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong bahagi ng 12-storey apartment sa Florida.

Saad ni Miami-Dade County Mayor Daniella Levine Cava, "We were able to recover four additional bodies in the rubble... So I am confirming today that the death toll is at nine.

"We've identified four of the victims and notified next of kin."

Patuloy pa ring nagsasagawa ng search operation sa mahigit 150 pa na nawawala.

Ayon naman kay Florida Governor Ron DeSantis, pinag-aaralan at iniimbestigahan pa rin ang dahilan ng pagguho ng naturang gusali.

Samantala, pinangangambahan na mas tataas pa ang bilang ng mga nasawi, ayon sa mga rescuers.

    0