BULGAR

Sep 11, 2020

Paglabag sa health protocol: UAAP, nagpataw ng i-leave kay Ayo

ni VA - @Sports | September 11, 2020

Sapagkat napatunayang siyang nagpasimuno sa Sorsogon training ng University of Santo Tomas men's basketball team habang may umiiral na community quarantine, pinatawan ng pamunuan ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ng indefinite ban sa liga si dating Tigers coach Aldin Ayo sanhi ng pagsuway nya sa health protocols ng gobyerno.
 

 
He endangered the health and well-being of the student-athletes under his charge when he conducted the training during a government-declared state of public emergency intended to arrest the COVID-19 outbreak,” ang nakasaad sa statement na inilabas ng UAAP noong Miyerkules.
 

 
Dahil dito, may mga napaisip at nagtatanong kung papahintulutan bang makapag-coach sa ibang liga si Ayo. Kaugnay nito, isa sa mga tatalakayin ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) management committee ang nasabing ban kay Ayo sa kanilang regular online meeting kahapon habang isinusulat ang balitang ito.
 

 
Nauna ng naging coach si Ayo sa NCAA nang gabayan nito ang pinagmulan nyang Letran tungo sa Season 91 title bago siya lumipat ng La Salle nang sinundang taon.
 

 
Kahit kapwa sakop ng hurisdiksiyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, ayon sa SBP ay hindi nila puwedeng atasan ang NCAA na ipatupad din ang ban kontra kay Ayo dahil may sarili anilang by-laws na sinusunod ang liga. We at the SBP recognize that each league has its own constitution, by-laws, and board members. We respect their decisions and policies but we cannot enforce it on other stakeholders of the federation,” wika ni SBP Director of Operations Butch Antonio.

    0