BULGAR

Oct 29, 2020

OFWs, oks na uli sa Bahrain

ni Thea Janica Teh | October 29, 2020

Tatanggap na muli ang ilang bansa sa Middle East ng mga foreign workers, partikular ang mga Pinoy, ayon sa embahada ng Pilipinas sa Bahrain.

Bahagi ni Phil. Ambassador to Bahrain Alfonso Ver, ito umano ang patunay na in-demand ang mga Pinoy sa Middle East dahil kilala ito sa pagbibigay ng magandang serbisyo.

Aniya, “Hindi lang po doon sa ating mga household service worker, marami rin sa hospitality service, sa hotel and tourism at malaking bagay ho dito of course iyong customer service, iyong pakikipagtungo sa mga tao, iyong ating communication skills . . .

Tanyag ang Filipino diyan.” Ito rin umano ay bahagi ng pag-angat ng ekonomiya ng Bahrain simula nang makontrol nito ang COVID-19 infections. Tinatayang nasa 3,000 active cases na lamang ang mayroon sila at 71 rito ang tumatanggap ng active treatment at 24 naman ang kritikal.

Umabot naman sa 362 Pinoy ang tinamaan doon ng COVID-19 at 11 ang namatay.

    0