BULGAR

Apr 24

Ngayong hiwalay na kay Kathryn… DANIEL, SUPPORT NA LANG DAW SA MOVIE NILA NI RICHARD

ni Nitz Miralles @Bida | April 24, 2024

To be confirmed pa lang ang balitang magsasama-sama sa isang malaki at maaksiyon na TV series sina Ian Veneracion, Daniel Padilla, Enrique Gil at Richard Gutierrez, pero excited na ang mga Kapamilya fans. First time yatang magsasama-sama ang apat at siguradong madaragdagan pa ang cast.

Lalo na ang fans ni Daniel, masaya sila at wish nilang matuloy ang project na ito. Kahit may mga nang-ookray na supporting na lang siya kina Richard at Ian, hindi pa rin maikakailang big project ito at hayaan na ang mga chika na demoted siya to being a supporting cast.

Actually, hindi supporting ang role ni Daniel dahil apat silang bida at sa husay nito, hindi siya masasapawan ng mga kasama. 

Para sa mga fans ni Daniel, magandang advance birthday gift ito sa kanya na kahit sa April 26 pa ang kanyang birthday, isang magandang blessing ito para sa kanya.

Pinayuhan din siya ng kanyang mga fans na ‘wag na siyang magla-love team at gustuhing mag-solo na lang o iba-iba ang makapareha. Para naman daw ipakita, lalo na sa mga fans ni Kathryn Bernardo, na magsu-survive ang career niya without her and without their love team.

    0