BULGAR

Sep 29, 2020

Nawalan ng trabaho, nag-bake na lang… SARAH AT MATTEO, NAGBEBENTA NA RIN NG CAKE ONLINE

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 29, 2020

Gaya ng ilang celebrities, pinasok na rin ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang online business.

Dahil mahilig ang Popstar Royalty sa pagbe-bake ng cake, ito ang napagkasunduan nilang negosyo at ibenta online. May special o kakaibang flavor ang cake ni Sarah, ang Lemon Blueberry Buttermilk, at makikita sa post ni Matteo sa kanyang social media account ang tungkol sa cake.

“My wife’s Lemon Blueberry Buttermilk cake will blow your mind. #shesthebest,” post ni Matteo.

Maraming nag-inquire sa mag-asawa kung kailan available ang ipinagmamalaking cake made or baked by Sarah.

Ani Matteo, “Taking orders soon. One week in advance, pre-order. I’ll send you the menu.”

Pagkatapos i-post ni Matteo ang tungkol sa bentahan ng cake, dumagsa agad ang mga gustong mag-advance order sa couple, mula sa kanilang malalapit na kaibigan at maging sa kanilang Instagram followers.

Halos lahat ay gustong maunang makatikim ng cake ni Sarah.

Hindi pa man, tiyak nang box office ang online selling ng mag-asawa dahil maging ang kanilang mga fans abroad ay nagtatanong kung magsi-ship sila internationally, kung paano mag-order at kung magkano.

Noon pa'y ugali nang mag-post ni Matteo ng cake at cookies na gawa ni Sarah. Of course, for Matteo, pinaka-da best ang gawa ng asawa.

    0