BULGAR

Jun 7, 2023

Naoospital dahil sa COVID, bumaba na

ni Madel Moratillo | June 7, 2023

Nalagpasan na ng bansa ang wage ng mga kaso na idinulot ng XBB.1.16 o Arcturus subvariant ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, isang infectious diseases expert, pababa na ang trend ng mga kaso ng impeksyon sa bansa.

Ang mga naoospital dahil sa COVID ay bumababa na rin.

Kaya para kay Solante, nalagpasan na ng bansa ang critical stage ng Arcturus.

Gayunman, hindi pa rin aniya dapat na maging kampante ang publiko at dahil nar'yan pa rin ang iba pang variant ng COVID at hindi pa nawawala ang virus.

Karamihan aniya sa naoospital ay mga matatanda.

Sa datos ng OCTA Research Team, bumaba na ang COVID positivity rate sa karamihan ng lalawigan sa Luzon at National Capital Region.

    0