BULGAR

Apr 22

MEGAN, PINAGDUDAHANG BUNTIS SA LAKI NG TIYAN

ni Nitz Miralles @Bida | April 22, 2024

Kahit sinagot ni Megan Young ng “busog lang” ang tanong ng isang netizen na “Preggy ka na, Meg,” marami pa rin ang naniniwalang buntis ang misis ni Mikael Daez. 

Medyo tumaba kasi si Megan at nagkaroon ng bilbil at sabi ng iba, lumaki ang puson, kaya inakalang preggy na siya.

Nag-deny si Megan, pero tuloy pa rin ang mga comments na… “Parang buntis na siya, 'yung shape ng tummy niya," “She looks preggy,” “Sana nga, buntis na si Mrs. Daez,” “Feeling ko, buntis si Megan kasi tumaba na,” ang mababasa.

Anyway, tama ang mga netizens, hintayin na lang ang announcement nina Mikael at Megan if they are pregnant or not para matahimik na sila.

    0