BULGAR

Sep 25, 2020

Mandy Moore, buntis na

ni Thea Janica Teh | September 25, 2020

Inanunsiyo ng singer-actress na si Mandy Moore nitong Biyernes na buntis na siya sa

asawang si Taylor Goldsmith.

Sa kanyang Instagram post, makikita ang picture nilang mag-asawa at may caption na

“Baby Boy Goldsmith coming early 2021.”

Agad na binaha ng congratulatory message ang comment section ng post ng aktres mula sa mga kapamilya at kaibigan ng dalawa.

Noong 2017, nag-propose si Goldsmith kay Moore at nagpakasal sila noong November

2018.

Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Moore na nagsisimula na itong mag-film ng season 5 ng “This Is Us.”

    0