BULGAR

Jan 12, 2021

Mag-ina, dating aso't pusa… JENINE AT JANELLA, NAGKASUNDO DAHIL SA BABY NG AKTRES

ni Melba R. Llanera - @Insider | January 12, 2021

Si Jenine Desiderio na ina ni Janella Salvador ang perpektong halimbawa na walang ina ang makakatiis sa anak gaano man karaming tampuhan ang pagdaanan ng relasyon nila.

Away-bati kung ilarawan ng iba ang relasyon ng mag-ina dahil taliwas ang kanilang paniniwala sa maraming bagay. Pero sa kabila ng lahat, proud na proud na ipinost ni Jenine nu’ng January 8 ang larawan ng apong si Jude habang karga-karga ito at may caption pa na, "My new job: Yaya (heart emoji).”

Ipinost ito ng singer pagkatapos aminin nina Janella at Markus Paterson ang tungkol sa kanilang dalawang buwang gulang na anak.


 
Kasalukuyang nasa United Kingdom sina Janella, Markus, Jenine, at ang sampung taong gulang na kapatid ng aktres na si Russel.

Setyembre nu’ng nakaraang taon nang lumipad pa-UK sina Jenine at Russel at sumunod sa kanila sina Janella (na nababalitang buntis na noon) at Markus.

Wala mang pag-amin si Jenine tungkol sa sitwasyon ng anak ay naging matibay na ang hinala ng mga netizens sa kalagayan ni Janella.

Takot at ang kagustuhang i-enjoy ang bagong yugto ng buhay niya bilang isang ina ang ibinigay na rason ni Janella sa panayam sa kanya ng TV Patrol kung bakit nagdesisyon siya na ‘wag munang aminin ang panganganak.

    0