BULGAR

Sep 28, 2020

Lanao del Sur, MECQ; Metro Manila GCQ pa rin

ni Lolet Abania | September 29, 2020

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Lanao del Sur sa modified enhanced community quarantine (MECQ), habang mananatili naman sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Sa lingguhang address to the nation ni P-Duterte, inirekomenda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagpapalawig ng GCQ sa National Capital Region (NCR), Batangas, Tacloban, Iloilo, Bacolod at Iligan.

Ilalagay naman sa modified GCQ ang natitirang bahagi ng bansa. Magsisimula ang bagong quarantine classifications sa October 1 hanggang October 31, 2020.

Ito rin ang iminungkahi ng Metro Manila mayors at grupo ng mga eksperto mula sa University of the Philippines-OCTA Research, ang extension ng GCQ sa capital region upang patuloy na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ipinaliwanag naman ni Presidential Spokesman Harry Roque kanina, na sa ilalim ng MECQ, magpapatupad ng strict limits sa transportasyon at panuntunan sa mga nagbukas na industriya. Gayundin sa MECQ classification, maluwag ang supply ng food at essential services at hindi na kailangang magbantay ang mga awtoridad.

Sa ilalim ng less stringent GCQ, maraming industriya ang pinayagan nang magbukas. Pinapayagan na rin ang religious gatherings sa ilalim ng GCQ subaliā€™t nasa 10 porsiyento lamang ng venue ang dapat na kapasidad.

    0