BULGAR

Apr 26

Kaya malakas ang loob… PHILLIP, PURO BIG TIME ANG BACKER SA PAGTAKBONG SENADOR

Updated: Apr 27

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 26, 2024

UMUUGONG ngayon ang balitang kaya napapayag si Phillip Salvador sa nominasyon sa kanya para tumakbong senador sa 2025 ay dahil umatras na sa naturang posisyon ang TV host na si Willie Revillame. 

Mas gusto ni Revillame na mag-concentrate sa pagbabalik ng programa niyang Wowowin sa TV5.

Samantala, may mga political analysts na nagsasabing kulang sa preparation ang kandidatura ni Ipe at wala rin siyang experience bilang public servant. Kailangan ding may milyun-milyong pondo siya para sa kanyang pangangampanya. 

Well, hindi naman kaila sa lahat ang closeness ni Ipe kina Sen. Bong Go at dating Pangulong Rodrigo Duterte at malaki ang naitulong niya sa kandidatura noon ng dalawa. 

Kaya ngayong si Ipe naman ang tatakbo, tiyak na inaasahan na nito ang all-out support at tulong nina Sen. Bong Go at ex-P-Du30. 

Maging sina Sen. Bong  Revilla, Jr., Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Robin Padilla ay tutulong din tiyak kay Ipe. 

Ang tanong ng mga netizens ay kung susuwertehin din kaya si Phillip sa pulitika tulad ni Robin Padilla na lumusot na senador. Mapantayan kaya niya ang karisma ni Robin sa mga tao? 

Matagal na rin siyang hindi gumagawa ng pelikula at baka hindi na siya kilala ng mga kabataang botante ngayon.

    0