BULGAR

Jul 27, 2021

Kaso ng COVID-19, tumaas... Biyahe pa-Spain, Portugal, atbp. bansa, bawal sa US

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 27, 2021

Pansamantalang ipinagbawal ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at State Department ang pagbiyahe papunta sa Spain, Portugal, Cyprus at Kyrgyzstan dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga naturang bansa.

Sa inilabas na travel advisory ng CDC, itinaas ang "Level Four: Very High" alert sa mga nasabing bansa. Itinaas din ng CDC sa rating na "Level Four" ang Cuba at "Level 3: High" naman sa West Bank, Gaza, at Armenia.

Samantala, ayon sa CDC, kailangang iwasan ng mga biyaherong hindi pa bakunado ang non-essential travelling sa mga bansa na nakataas sa "Level 3" rating.
 

    0