BULGAR

Jul 10, 2020

Kaso ng “broken heart syndrome”, tumaas ngayong pandemic

ni Thea Janica Teh | July 10, 2020

Bukod sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 case sa buong mundo, may inilabas na pag-aaral na tumataas din ang bilang ng kaso ng “broken heart syndrome”.

2 pasyente mula sa Ohio hospital ang na-admit dahil sa “broken heart syndrome” at ito ay epekto ng pandemic.

Ang cardiomapathy o Takotsubo syndrome o mas kilala sa “broken heart syndrome” ay nangyayari kung ang muscle sa ating puso ay humihina. Ang epekto nito ay pananakit ng dibdib at shortness of breath. Ito ay parang heart attack ngunit, nagti-trigger ito kapag may stressful event at hindi dahil sa may bumara sa bloodstream. Ito ay maaaring nakamamatay sa mga rare case ngunit, marami rin ang gumagaling sa loob ng ilang araw.

Ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa medical journal JAMA Network Open, pinag-aralan ng researcher mula Cleveland Clinic ang dalawang ospital na marami ang kaso ngayon ng heart trouble kaysa sa nakalipas na 2 taon. Ang mga pasyente sa panahon ng pandemic ay mas nakararananas ng broken heart syndrome.

The pandemic has created a parallel environment which is not healthy,” sabi ni Dr. Ankur Kalra, isang cardiologist. "Emotional distancing is not healthy. The economic impact is not healthy. We've seen that as an increase in non-coronavirus deaths, and our study says that stress cardiomyopathy has gone up because of the stress that the pandemic has created," dagdag niya.

Bukod pa rito, sinabi rin ni World Health Organization (WHO) Director General Tedros Adhanom Ghbreyesus na malaki ang impact ng pandemic sa mental health ng tao at ito ay nakaaalarma.

    0