BULGAR

Apr 24

Kasamang nawala ng cash sa pouch… MARC, GAME MAGBIGAY NG PABUYA MAIBALIK LANG ANG PASSPORT

ni Beth Gelena @Bulgary | April 24, 2024

HUMIHINGI ng tulong si Marc Pingris sa publiko thru his social media dahil nawawala ang kanyang passport. 

At hindi lang passport kundi pati ang black pouch niya na may lamang cash. 

Ginamit niya ang kanyang social media account lalo na ang Instagram, to seek help sa mga netizens about it.

Ayon sa PBA cager, willing siya na magbigay ng pabuya kung sino man ang magbabalik ng nawawala niyang importanteng items. 

Ani Marc, “Patulong naman po. Please kung sino po nakakita ng passport ko at black pouch na may cash po. Please pakibalik po. We are willing na magbigay po ng cash reward just in case ma-turnover n’yo po. Please send a DM po, salamat po.”

    0