BULGAR

Apr 25

Kahit sabihang pakialamera… CARMINA, ‘DI PAPAYAG NA MAPAHAMAK ANG MGA ANAK

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 25, 2024

HINDI napigilan ni Carmina Villarroel na maglabas ng sama ng loob tungkol sa akusasyong isa siyang pakialamerang ina. 

Ito ang ibinabato sa kanya ngayon ng mga bashers — pinakikialaman daw kasi ni Carmina ang love life ng mga anak niyang sina Cassy at Mavy Legaspi. Marami raw silang ipinagbabawal at hindi puwedeng suwayin ng mga anak.Paliwanag ni Carmina, natural lang sa isang nanay na tulad n’ya ang pangalagaan at protektahan ang kanyang mga anak, lalo na kapag may maling ginagawa. Ayaw niyang mapahamak at masaktan ang sinuman kina Cassy at Mavy, kaya lagi niyang igina-guide at pinapayuhan ang mga anak sa pagpili ng mga kaibigan. Malaya naman ang kanyang mga anak at pinapayagang lumabas na kasama ang kanilang mga kaibigan, pero dapat ay alam nila ang kanilang limitasyon.

At walang kiber si Carmina sa mga bashers na tinatawag siyang pakialamera. Karapatan niya ang alamin kung ano ang makabubuti sa kanyang mga anak.

    0