BULGAR

Jul 26, 2021

Ji Chang Wook, positive sa COVID-19

ni Lolet Abania | July 26, 2021

Nagpositibo sa test sa COVID-19 ang Korean actor na si Ji Chang Wook.

Ayon sa report ng Soompi ngayong Lunes, isang source mula sa agency ni Ji Chang Wook na Glorious Entertainment ang nagkumpirma nito.

“Ji Chang Wook has tested positive for COVID-19. In accordance with health authority guidelines, he is in quarantine and receiving treatment,” pahayag ng naturang source.

Kasalukuyang ginagawa ni Chang Wook ang upcoming Netflix series na “The Sound of Magic” kasama sina Hwang In Yeop at Choi Sung Eun.

Itinigil na muna ang production nito kung saan ang lahat ng staff at cast members ay nakatakdang sumailalim sa test sa COVID-19.

Habang isinusulat ito, nasa 19th trending topic sa Pilipinas kabilang ang mahigit sa 4,000 tweets mula sa fans ni Ji Chang Wook ang nagdarasal ng kanyang agarang paggaling.

Kilala si Chang Wook sa kanyang mga Korean drama gaya ng “Suspicious Partner,” “Lovestruck in the City,” “Healer,” “7 First Kisses,” at iba pa.

    0