BULGAR

Aug 11, 2021

Ji Chang Wook, nakarekober na sa COVID-19

ni Lolet Abania | August 11, 2021

Nakarekober na ang South Korean actor na si Ji Chang Wook sa COVID-19. Ayon sa Soompi report ngayong Miyerkules, isang source mula sa agency ni Chang Wook na Glorious Entertainment ang nagkumpirma na magaling na ito.

“Ji Chang Wook was judged to be fully recovered from COVID-19, and he has been discharged from the quarantine facility. He will return to [filming] ‘The Sound of Magic,’” ayon sa source. Matatandaang nagpositibo sa test sa virus si Chang Wook noong nakaraang buwan.

Dahil dito, ang filming ng anyang upcoming Netflix series “The Sound of Magic” ay itinigil muna. Samantala, ang kanyang co-stars kabilang na sina Hwang In Yeop at Choi Sung Eun ay negatibo naman sa test sa COVID-19.

    0