BULGAR

May 17, 2021

Inilaglag ni Catriona… RABIYA, SUPORTADO NI PIA AT IBA PANG MISS U WINNERS

ni Nitz Miralles - @Bida | May 17, 2021

Suportado naman pala ng past beauty queens ng bansa ang laban ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo na ang coronation night ay ngayong Lunes na gagawin.

Kabilang sa mga beauty queens na nagpahayag ng suporta ay sina Shamcey Supsup, Ariella Arida, Maxine Medina, MJ Lastimosa, Janine Tugonon, at Pia Wurtzbach na nagustuhan ng mga netizens ang tweet niyang: “Rabiya ShowItToTheUniverse.”

Na-bash kasi si Catriona dahil hindi raw sinusuportahan si Rabiya at hindi nga isinama sa choice niya sa Best in National Costume.

    0