BULGAR

Jul 13, 2020

Human trials ng COVID-19 vaccine, sinimulan sa Australia

ni Lolet Abania | July 13, 2020

Inumpisahan na ng Australia ang human trials para sa covid-19 vaccine na dinebelop ng mga scientist sa University of Queensland ngayong araw.

Umaga sinimulan ang trials na isinagawa ng mga grupo ng volunteers at inaasahang lumabas ang preliminary results nito sa katapusan ng September.

Ayon kay Paul Young, co-leader ng trial, “Like every vaccine trial, this may or may not succeed. It’s not a guarantee, but we’re confident that we’ll get through there to a positive outcome in the end.”

Gayundin, bibigyan ang lahat ng participants ng dalawang immunizations na apat na linggo ang pagitan.

“This is the first in human randomized, double-blind placebo controlled study. There will also be a dose escalation component to determine the optimal vaccine dose for future studies. So, this phase one study will be assessing essentially vaccine safety and also immune responses to that vaccine.”

Marami nang experimental vaccines ang dinidebelop sa buong mundo, subalit patuloy pa rin ang pagkalat ng pandemya.

Isa ang Australia na nagsusumikap na mapigilan ang pagtaas ng kaso ng covid-19 sa mga bansa, kung saan nakapagtala ang kanilang bayan ng mas kaunti sa 10,000 kumpirmadong tinamaan ng coronavirus at higit sa 100 na namatay sa kabuuan.

    0