BULGAR
Apr 18
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-18 Araw ng Abril 2024
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpakita ka ng tapang upang ipakita rin sa iyo ng langit ang malaking premyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-19-20-35-38-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali. Ang mga bagay na nakukuha sa mabilis na paraan ay mabilis ding nawawala. Mas maganda kung isabuhay mo ang positibong paghihintay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-28-30-35-41.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang wala ka, iyon ang pangarapin mo. Ito ang susi para gumanda ang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-12-18-26-37-41-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Humugot ka ng lakas sa mga nakaraang pagsubok na iyong napagtagumpayan. Sa ganitong paraan, ang iyong mga pinagdaanan ay iyo ring malalampasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-25-30-33-35-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi masama ang mangopya. Sa katunayan, ang mga taong gumagaya sa magagandang ginawa ng iba ang pinupuri at hinahangaan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-24-27-35-38-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) -Kahit hindi mo kailangan, kunin at ipamigay mo pa rin sa mga nangangailangan. Kapag ganito ang ginawa mo, pagpapalain at bibigyan ka pa ng langit ng suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-29-31-33-34-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tumulong ka kahit na nangangailangan ka rin ng tulong. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-16-22-30-50.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makibahagi ka sa pag-iipon ng mga bagay na makakatulong sa mga taong nangangailangan. Kapag pinagsama-sama ang isang bagay, dadami rin ito tulad ng butil sa isang sakong bigas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-16-27-33-36-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nasa dulo ng dilim ang liwanag, kaya magpatuloy ka! Hindi ka dapat sumuko ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-8-16-18-26-49.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na nawawala ang makapal na ulap sa kalangitan. Gayundin, ang ulap ng mga suliranin na dumarating sa iyong buhay. Kaya dapat kang maging matatag. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-21-29-30-31-47-51.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Una-unahan lang. Ang mga unang dumating muna ang bigyan mo ng oras. Ibig sabihin, ‘di maganda kung pagsasabayin mo ang mga nakikita mong magagandang bagay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-15-26-35-43.