BULGAR

Jul 4, 2023

Hari sa South Africa, nalason

ni Mabel Vieron | July 4, 2023

Agad na isinugod sa pagamutan ang hari ng Zulu sa South Africa na si Misuzulu Zulu, matapos na umano’y malason.

Batay sa traditional prime minister na si Chief Mangosuthu Buthelezi, nagtungo pa umano ito sa Eswatini upang magpakonsulta.

Noong mga nagdaang linggo kasi ay nasawi rin ang isa nitong senior adviser dahil sa hinalang nilason.

Ayon naman sa tagapagsalita nito, bumubuti na rin ang kalusugan ng kanilang hari at kailangan lamang niya ng pahinga.

    0