BULGAR

Sep 28, 2020

Facebook, kinastigo ni P-Duterte

ni Lolet Abania | September 29, 2020

Naipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Ulat ng Bayan na naisip niya ang mag-resign sa kanyang posisyon dahil sa labis na pagkadismaya sa patuloy na pakikipaglaban sa korupsiyon sa bansa.

"Ewan ko kung sabihin ko sa inyo, I offered to resign as president, kasi nagsasawa na ako," sabi ng pangulo.

"Talagang wala nang katapusan itong corruption, mahirap talagang pigilin," dagdag niya. Samantala, binatikos ni Pangulong Duterte ang Facebook dahil sa pagtatanggal umano nito ng mga adbokasiya ng gobyerno.

“What is the purpose of you being here... Facebook listen to me! We allow you to operate here. Hoping that you could help us also… Tell me, kung bakit hindi ko magamit para sa kapakanan ng taong bayan? We have to talk. We have to talk sense!... Is there life after Facebook?” sabi ni P-Duterte.

    0