BULGAR

Oct 30, 2020

Face-to-face clinical internship ng UP, aprub na ng IATF

ni Lolet Abania | October 30, 2020

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na ibalik ang programang face-to-face clinical internship ng University of the Philippines (UP) College of Medicine, ayon sa pahayag ng MalacaƱang ngayong Biyernes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gagawin ang nasabing internship program sa Philippine General Hospital (PGH) sa Manila, kung saan ang ospital ay pinangangasiwaan ng UP.

Balak din ng unibersidad na magkaroon ng isang PGH extension sa UP main campus na matatagpuan sa Diliman, Quezon City upang mapalawig ang health facilities at kapasidad ng ospital, at madagdagan ang training ground ng magiging mga doktor.

    0