BULGAR

Mar 3, 2021

Ex-mister at bagong GF na si Jodi, binanatan…

MARJORIE, NI-LIKE ANG POST NI RAYMART NA SAGOT SA PATUTSADA NI CLAUDINE

ni Nitz Miralles - @Bida | March 3, 2021

Ni-like ni Marjorie Barretto ang post ni Raymart Santiago sa Instagram na may caption na: “A smiling face is a beautiful face. A smiling heart is a happy heart.”

Sabi ng mga netizens, sagot daw ‘yun ni Raymart sa nakaraang interview kay Claudine Barretto na may sama ng loob kina Raymart at Jodi Santamaria dahil hindi raw ipinaalam ng aktor sa kanilang mga anak ang relasyon nila ni Jodi. Kinausap daw ng dalawa ang anak ni Jodi na si Thirdy para ipaalam ang tungkol sa kanila, pero nakalimutan ni Raymart na kausapin sina Sabina at Santino.

Kabilang sa mga nag-like sa post ni Raymart si Zsa Zsa Padilla at nag-comment naman ng heart emojis si Iza Calzado. Walang makapag-comment sa post ni Raymart sa Instagram dahil naka-set ang comment box niya sa “comments on this post have been limited”.

    0