BULGAR

Jul 10, 2020

Empleyadong WFH, bigyan ng additional tax deduction benefit — Sen. Tolentino

ni Thea Janica Teh | July 10, 2020

Inatasan ni Sen. Francis Tolentino ang National Internal Revenue Code (NIRC) at Telecommuting Act na magbigay ng additional tax deduction benefits para sa mga manggagawang napiliting mag-work-from-home (WFH) sa panahon ng quarantine.

Sinabi ni Tolentino na tataas ang kuryente ng mga work-from-home employee at ang employer ay makatitipid dito.

Sa Senate energy committee hearing, sinabi ni Tolentino na magkaroon ng NIRC (Republic Act 8424) at RA 11165 o mas kilala bilang Telecommuting Act, na naglalayong magbigay ng additional tax deduction benefits ang mga empleyadong napilitang mag-work-from-home.

Ito ay magiging “win-win” situation mula sa employer, employee at gobyerno dahil maglalagay pa rin ng Value Added Tax (VAT) sa electric bills.

Bukod pa rito, sinabi rin ni Tolentino na expense pa rin ng employer ang electric bill ng empleyado nitong work-from-home. Kung ito ay masasakatuparan, masisigurado umano ang pagpapatuloy ng negosyo, may financial relief para sa kanilang mga empleyado at makakapagkolekta ng VAT ang gobyerno.

    0