BULGAR

Jul 4, 2020

Embahada ng Pilipinas sa Kuwait, isinara

ni Lolet Abania | July 4, 2020

Suspendido ang serbisyo ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait, matapos na isang empleyado nito ang nagpositibo sa test sa coronavirus o covid-19.

Ito ang naging tugon ng Embahada bilang pagsunod sa protocols ng World Health Organization at sa Kuwaiti Ministry of Health, na kailangang sumailalim sa 14-day quarantine ang mga taong nakasalamuha ng nagpositibo sa covid-19. Isinara ang lahat ng opisina nito epektibo noong Hulyo 2 hanggang Hulyo 16, 2020.

Ang mga on-site operation ng Embahada, Philippine Overseas Labor Office at Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA) ay suspendido.

Aabisuhan at tatawagan ang lahat ng nakaiskedyul ng appointment sa naturang mga araw (July 2-July 16) ng Embahada para sa pagbabago ng nakatakdang appointment, gayundin, maaaring magmensahe sa pamamagitan ng WhatsApp ng Embahada.

Magbibigay pa rin ng patuloy na serbisyo ang Embahada mula sa www.facebook.com/PHinKuwait; www.twitter.com/PHinKuwait; Consular (Passport) Section hotlines: 6518-4433; 6990-2188; ATN Unit hotline: 6500-2612; POLO-OWWA hotline: 9403-9063.

    0