BULGAR

Sep 21, 2023

DNA, 'di tugma sa species sa Earth — researcher.. Bangkay ng aliens, tunay

ni BRT @News | September 21, 2023

Lumabas sa mga pag-aaral na tunay ang mga bangkay ng umano’y mga alien o extraterrestrial beings na ipinakita kamakailan sa Kongreso sa Mexico.

Isinagawa ng Health Sciences Research Institute of the Secretary of the Navy ang pagsusuri sa mga labi.

Isinailalim ang mga mummified na labi sa CT scan, simpleng X-ray at sa fluoroscopy study, na isa pang klase ng scan.

Binusisi ng mga doktor ang bawat parte ng katawan ng mga nilalang umano na nagmula sa labas ng Earth.

“We are able to determine that it does indeed belong to a single skeleton that has not been joined to other pieces,” sabi ni Jose De Jesus Zalce Benitez ng Health Sciences

Institute of the Secretary of the Navy.

Lumabas sa pag-aaral na tunay umano ang mga buto sa mga labi at walang nakitang indikasyon na pineke, minanipula o pinagtagpi-tagpi lang ang mga ito para magmukhang isang buong katawan.

Bukod dito, hindi rin umano tugma ang DNA ng mga labi sa mahigit isang milyong registered species sa Earth.

Una nang ipinrisinta noong Setyembre 15 ang mga sinasabing “non-human” remains sa harap ng mga mambabatas sa Mexico.

Naging kontrobersyal ang balita, dahil may mga nagsasabi na hindi naman katawan ng “aliens” ang mga labi kundi mga pre-Hispanic objects o sinaunang artifacts.

Gayunman, nanindigan ang Mexican Journalist at UFO researcher na si Jaime Maussan,na siyang nagprisinta sa “non-human” remains sa Kongreso, na authentic o tunay ang mga ito.

    0