BULGAR

Apr 12

'Di na-hurt na single daw si Darren… CASSY, MAY MICHAEL SAGER NA

ni Nitz Miralles @Bida | April 12, 2024

Patungkol nga ba kay Darren Espanto ang ibang cryptic posts ni Cassy Legaspi na “Cause hurt people hurt people, that’s a known fact?” na mula sa lyrics ng song na Ain’t Nobody Takin' My Baby.

Nagsimula kasing mag-post ng cryptic messages si Cassy nang aminin ni Darren na wala siyang girlfriend. 

Ibig sabihin, single siya kahit na-link siya kay Cassy. Bale ba, tinukso si Darren kay Jillian Ward at kay Kyline Alcantara na minsan nang na-link sa kanya.

Comment ng netizen, si Cassy ang unang nagsabing best friends lang sila ni Darren nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda na sinundan ng sagot ni Darren na wala siyang girlfriend.

Pero, para namang hindi nasaktan si Cassy sa sagot ni Darren dahil nali-link siya kay Michael Sager. For sure, kasunod nang iinterbyuhin si Michael sa status nila ni Cassy.

Ano kaya ang isasagot nito?

                                                                         

                                                                           

 

 

    0