BULGAR

Jul 9, 2020

‘Delivery doggy’ malaking tulong sa shop ng Colombia

ni Lolet Abania | July 9, 2020

Isang walong-taong-gulang na aso, Eros, ang nagbibigay ng delivery service habang naglilibot sa mga kalsada ilang beses sa isang araw sa maburol na siyudad ng Medellin, Colombia.

Gamit ang kanyang jaws, dala-dala ni Eros ang isang straw basket na bitbit ang gulay, prutas at packaged foods sa mga customers ng El Porvenir mini-market. Treats at masahe sa mabalahibong ulo, ang bayad sa chocolate Labrador na ito.

“He helps us to maintain social distancing,” sabi ng may-ari kay Eros na si Maria Natividad Botero. “And people love it when we send the dog.”

Mabilis na minahal ni Botero at pamilya nito ang doggy, noong unang dumating sa kanila si Eros. Nang magbukas sila ng mini-market sa hilltop ng Tulipanes, nagsimulang samahan at tulungan ni Eros sina Botero at mga anak nito sa pagdedeliber.

    0