BULGAR

Aug 18, 2022

Dahil Quezon Day, Agosto 19 Walang pasok sa lahat ng gov’t at private offices sa QC

ni Lolet Abania | August 18, 2022

Bilang paggunita sa ika-144 anibersaryo ng kaarawan ni dating Pangulong Manuel Quezon, lahat ng gobyerno at pribadong opisina sa Quezon City ay sarado, kung saan idineklarang special non-working holiday sa Biyernes sa lungsod.

Sa isang statement ngayong Huwebes, ayon sa city government, “Republic Act 6741 designated August 19 of every year as a special non-working holiday in the provinces of Quezon and Aurora as well as in Quezon City.”

Gayunman, tuloy ang trabaho ng mga empleyado na nasa essential services, kabilang ang mga law enforcement, traffic management, fire protection, health and rescue, at disaster response and management.

Ang operasyon ng QCity bus service ay suspendido rin sa Biyernes.

Si Quezon ay nagsilbing pangulo ng Pilipinas mula 1935 hanggang 1944.

    0