BULGAR

Jul 4, 2020

Daan-daang elepante namamatay sa Botswana

ni Lolet Abania | July 4, 2020

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga opisyal ng Botswana tungkol sa misteryosong pagkamatay ng daan-daang elepante sa lugar ng Okavango Delta sa bayan ng southern Africa sa loob ng nakalipas na tatlong buwan.

Ayon sa Ministry of Environment, Natural Resources, Conservation and Tourism, naberipikang 275 carcasses mula sa 356 ang naireport na namatay simula pa noong Mayo.

Ipinadala ang mga samples sa tatlong laboratory sa Zimbabwe, South Africa at Canada para ito ay pag-aralan.

Sa ngayon, patuloy ang pag-iimbestiga ng environment ministry subalit ayon sa kanila “revealed no evidence of poaching.”

    0