BULGAR

Jul 10, 2020

Construction worker sa BGC na nagpositibo sa COVID-19, umakyat na sa 327

ni Thea Janica Teh | July 10, 2020

Mula sa inisyal na inilabas na bilang noong June 17, tumaas na sa 327 ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 na construction worker sa Bonifacio Global City (BGC) Taguig.

Isinailalim na ng local government sa lockdown ang construction site dahil sa pagdami ng bilang ng kaso ng virus dito.

Sa ngayon ay dinala na sa isolation facility at quarantine facility ang mga nagpositibong manggagawa.

    0