BULGAR

Mar 5, 2021

Close sa anak ni Ellen, John Lloyd binabastos daw…NETIZENS, BAWAL NANG MAG-COMMENT SA POST NI DEREK

ni Nitz Miralles - @Bida | March 5, 2021

Hindi pa idine-delete ni Derek Ramsay ang video na magkakasama sila sa bed nina Ellen Adarna at anak nitong si Elias, pero disabled ang comment box, kaya nganga ang mga bashers, hindi na sila makapag-comment.

Na-call ang attention nina Derek at Ellen sa pagpo-post nila ng video na kasama si Elias. May nag-comment na insensitive sila sa feelings ni John Lloyd Cruz. Sabi pa ng netizen, ramdam niya ang pain ni John Lloyd as a father.

Sagot ni Derek, “I mean no disrespect to him. I know he is a good father.”

May nag-comment pang mali ang ginawa nilang pagpo-post ng video na kasama si Elias at nagpahayag ng pagkainis at dismaya sa dalawa.

Si Ellen na ang sumagot at kasama sa sagot nito ang sinabing, “Have an open mind and open heart, that is what the world needs. Not your unsolicited advice...and let’s say, I listen to you, what would it do for you? Believe what you want, just don’t impose them on others.”

Samantala, ‘katuwa si Derek, pumatol sa basher dahil nang may tumawag sa kanyang “The Collector” dahil nangongolekta nga raw ng GF, ang sagot niya, “The basher.”

    0