BULGAR

Aug 26, 2021

Cellphone ni Alex Gonzaga, na-snatch sa EDSA, snatcher huli

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 26, 2021

Inaresto ng awtoridad ang lalaking nang-snatch ng cellphone ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa Makati City, ayon sa kanyang social media post ngayong Huwebes.

Ayon kay Alex, ang kasama niyang si Sofie ang may hawak ng cellphone niya nang mahablot ito ng snatcher.

Aniya, “Si Sofie po ang may hawak ng phone ko at mabagal ang takbo ng trapiko kaya nu’ng may pina-picture ako sa kanya, biglang nahablot agad ang cellphone ko habang hawak n’ya.”

Laking pasasalamat din ni Alex sa kanyang driver na si Arvi dahil hinabol nito ang snatcher at marami rin umanong mga motorista ang nakihabol.

Sey pa ng aktres, “Got my phone back after mahablot sa EDSA!!! Thank you so much sa Guadalupe Nuevo Police Sub-Station 7 for helping us.

“Grabe, taas dalawang kamay namin sa galing at bilis ng action n’yo mga sir.”

Nagpasalamat din naman si Alex sa asawa ng snatcher ng cellphone niya dahil aniya, “Subscriber daw pala sila!”

    0