BULGAR

Apr 18

Buntis daw sa second baby… ANGELINE, IKAKASAL NA SA APRIL 25 SA QUIAPO CHURCH

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Abril 18, 2024

Ikakasal na si Angeline Quinto at ang partner niyang si Nonrev Daquina ngayong April 25 sa simbahan ng Quiapo.

Kinumpirma ito ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog with Mama Loi.

“Sa darating na Huwebes, April 25 ay magaganap na ang pag-iisang-dibdib nina Angeline at Nonrev na parehong deboto ng Nazareno kaya naman ang Quiapo Church ang napili nilang simbahan,” sey ni Ogie.

Aniya pa ay bigatin daw ang mga ninong at ninang ng dalawa kabilang na sina Manila Mayor Honey Lacuña at ilang bossing ng ABS-CBN.

Matatandaang taong 2020 nang magkakilala sina Angeline at Nonrev sa pamamagitan ng kanilang common friend. Nauwi ito sa isang relasyon at noong 2022 ay ipinanganak ng Queen of Teleserye Songs ang panganay nila ni Nonrev na si Baby Sylvio.

Ayon pa kay Mama Ogs, may tsika ring buntis ngayon si Angeline sa 2nd baby nila ng partner.

“Balita ring buntis si Angeline sa 2nd baby nila ni Nonrev, kaya magkakaroon na ng kapatid si Baby Sylvio. Kung totoo man ito, congratulations, Angeline and Nonrev,” aniya.

Samantala, wala pang opisyal na announcement sina Angeline and Nonrev tungkol sa kanilang kasal o sa diumano’y 2nd pregnancy ng singer.

 

    0